NILINAW | Dingdong Dantes, tinuldukan na ang usapang sasabak siya sa pulitika

Tinuldukan na ng actor na si Dingdong Dantes ang balitang pagtakbo niya bilang senador sa 2019 mid-term elections.

Ayon kay Dingdong, hindi siya tatakbo bilang senador.

Sinabi ito ni Dingdong sa kanyang komento sa Facebook post ng comedian-radio personality na si Ogie Diaz ngayong Lunes, September 17.


Sa facebook status ni Ogie na “Mama Ogs Answers,” sinasagot niya ang mga katanungan ng netizens tungkol sa maiinit na isyu sa bansa.

Una nang sinabi ni Marian Rivera misis ni Dong na ipapaubaya niya sa kanyang mister kung anuman ang plano nito pagdating sa pulitika.

Facebook Comments