NILINAW | Gretchen Ho, klinaro ang kaniyang heartbroken tweet

37

Manila, Philippines – Nilinaw ng host na si Gretchen Ho na walang kaugnayan sa kaniyang ex boyfriend na si Robi Domingo ang kaniyang naging tweet na heartbroken and humbled.

Bagaman wala siyang tinukoy sa kanyang tweet, isang twitter user ang sumagot kay Gretchen na makakamove on rin raw ito at maging happy na lang para kay Robi.

Kaya sumagot si Gretchen rito na “not everything is about him, my dear 🙂 and who says I’m not happy?”

Agad namang humingi ng paumanhin ang netizen at tinanggap ito agad ni Gretchen.

Hula naman ng iba na maaaring tungkol sa naranasan ni Gretchen na pagnanakaw sa London ang nasabing tweet nito.

Mababatid na mahigit isang taon nang hiwalay sina Gretchen at Robi.

Facebook Comments