NILINAW | MPD Station 9 Commander, nagpaliwag sa ginawang buy bust operation sa kanyang nasasakupan

28

Manila, Philippines – Nilinaw ni MPD Police Station 9 P/Supt. Robert Domingo na nakipag-ugnayan sa MPD Headquarters ang PDEA nang magsagawa ng buy bust operation kahapon sa isang Hotel sa Mabini Street Malate Manila na nagresulta ng pagkaaresto sa isang big time pusher.

Ang paglilinaw ay ginawa ni Domingo matapos na mapaulat na nangyari ang isang malaking operation sa kanyang nasasakupan kung saan nagsilbi nalamang na back up ang MPD Station 9.

Una rito, naaresto ang tinaguriang bigtime pusher na sa isinagawang Buy Bust Operation na nagresulta sa pagkaaresto ni Ryan Tomawis 25 anyos, residente ng City Land Bangcal Makati City matapos makuhanan ng 3 Kilos ng Shabu na tinatayang nagkakahalaga ng 20.4 Million pesos.

Napag alaman na nagsagawa ng buy bust operation ang pinagsanib na pwersa ng mga Elemento ng Special Operation Unit, Regional Drug Enforcement Unit, PRO3 at Drug Enforcent Group sa loob ng Room 164, Sogo Hotel, na matatagpuan Mabini corner Quirino Avenue, Manila na nagresulta ng pagkaaresto kay Tomawis.

Paliwanag ni Domingo, nakipag ugnayan naman aniya sa MPD Headquarters ang mga otoridad kaya huwag nang pag isipan pa ng malisya ang naturang matagumpay na operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang bigtime pusher.

Facebook Comments