NILINAW | Pabahay sa Iligan na para sa Sendong survivors, nilinaw na hindi kasali sa evacuation center ng mga Bakwit galing sa Marawi

34

Iligan City – Nilinaw ni Iligan City Mayor Celso Regencia na hindi para sa mga Bakwit na galing sa Marawi City ang pabahay para sa mga Sendong survivors.

Ito ay matapos iginiit ng iilang mga Sendong survivors na pawang kinawawa at inalisan sila ng karapatan sa alkalde ng Iligan matapos inutos nito na ipapadlock ang mga bahay ng mga Sendong survivors na ibinenta nila sa iba.

Ayon kay Mayor Regencia, matagal na ang Bayanihan Village at hindi ito kasali sa inilaan nilang evacuation center para sa mga IDPS na galing sa Marawi City.

Sinabi pa ni Regencia na hindi niya obligasyon na magbigay ng pabahay para sa mga Bakwit galing sa Marawi dahil sila rin na mga opisyal ng Iligan ay patuloy pa ang paghahanap ng mga lugar para mabigyan ng pabahay ang mga biktima dati ng bagyong Sendong na hanggang ngayon ay wala pang mga bahay.

Facebook Comments