NILINAW | Pahayag ni PRRD na si dating Sec. Roxas ang nagpaambush kay Mayor Vicente Loot, biro lang – Malacañang

Manila, Philippines – Nilinaw ngayon ng Palasyo ng MalacaƱang na hindi totoo at biro lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging pahayag nito na iniutos ni dating Interior Secretary Mar Roxas ang pananambang kay Daanbantayan Mayor Vicente Loot na dating Police General na pinangalan ni Pangulong Duterte na sangkot sa operasyon ng iligal na droga.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, base sa nabasa niyang transcript ng speech ng Pangulo ay nakita niyang nagbibiro lamang ito.

Paliwanag ni Panelo, expression lang ng sama ng loob ni Pangulong Duterte ang kanyang mga sinabi dahil sangkot sa iligal na droga ang dating aide ni Roxas na si Loot.


Binigyang diin pa ni Panelo na hindi dapat sineseryoso ang lahat ng sinasabi ni Pangulong Duterte dahil madalas itong magbiro dahil bahagi ito ng kanyang pagsasalita para mabuhay ang mood ng mga nakikinig sa kanya.

Facebook Comments