NILINAW | PDP-laban meeting sa Setyembre, nakatuon sa magiging plano ng partido sa 2019 elections – Sen. Koko Pimentel III

29

Manila, Philippines – Nilinaw ni Senador Koko Pimentel III na nakatuon ang meeting ng PDP-laban sa September 1 sa magiging plano nito para sa 2019 midterm elections.

Ani Pimentel – kabilang na rito ang mga kandidatong ikakampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Dagdag pa ng Senador, hinigpitan na rin ang pagsasala sa mga kandidato para matiyak na wala itong bahid ng korapsyon at illegal drugs.

Muling binigyang linaw din ni Pimentel na nananatiling Secretary-General ng PDP-laban si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez, habang mananatili ring miyembro ng partido si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Facebook Comments