NILINAW | PRRD, klinaro na pansamantala lamang magiging presidential spokesman si Panelo

305

Manila, Philippines – Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na pansamantala lamang magiging kanyang tagapagsalita si Secretary Salvador Panelo.

Ayon kay Pangulong Duterte – patuloy ang kanyang paghahanap ng mga taong papalit sa mga posiyong iiwanan ng ilan sa kanyang gabinete na may planong kumandidato sa 2019 elections.

Aniya, mananatili si Panelo bilang presidential chief legal counsel.

Nagbiro pa ang Pangulo sa estilo ng pananamit ni Panelo.

Paliwanag pa ng Pangulo – kaya niya agad napili si Panelo dahil naghayag ang kanyang tagapagsalita na si Harry Roque na tatakbo ito sa pagkasenador.

Sakaling gusto ni Panelo na akuin na ng buo ang pagiging presidential spokesperson, handa ang Pangulo na maghanap ng uupo bilang kanyang chief legal counsel.

Facebook Comments