NILOOBAN | Isang eskwelahan sa Iloilo City, ninakawan

10

Iloilo City – Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang nangyaring panloloob sa Dumangas National High School sa Iloilo.

Sa ulat, umaabot sa halos P10 milyon ang natangay ng mga kawatan sa niloobang paaralan.

Nakuha ng mga magnanakaw ang nasabing halaga pera na mula sa accounting office at canteen ng paaralan.

Bukod dito, napasok din ng mga suspek ang principal’s office kung saan winasak nila ang ibang kagamitan at tinagay din ang iba pang mahahalagang gamit nito.

Facebook Comments