Ninja cops, wala na pero pulis scalawags nananatili – Palasyo

86

Ibinunyag ngayon ng malakanyang na matagal nang nabuwag ang mga ‘ninja cops’ o ang mga pulis na nagrerecycle ng iligal na droga.

 

Sa press briefing sa malakanyang sinabi ni Presidential Spokesman Sec. Salvador panelo na nagpaliwanag sa palasyo si PNP Chief General Oscar Albalayde kagabi kung saan sinabi nitong matagal nang nabuwag ang sindikato ng mga ninja cops.


 

Ayon kay Panelo sinabi sa kanya ng PNP Chief na sa kabila ng pagkawala ng organized syndicate, ay aminado naman sa presensya ng mga pulis scalawags.

 

Ayon sa kalihim, mayroon pa rin mga tiwaling pulis subalit hindi tulad noong mga nakaraang panahon na organisado bagkus ay kanya-kanyang raket na umano ang mga ito.

 

Tiniyak naman ni Albalayde na nagpapatuloy ang paghahabol ng liderato ng PNP sa kanilang mga kabaro walang tigil sa paggawa ng katiwalian.

Facebook Comments

From Advertisers