NIRERESPETO | Sec. Cayetano, hindi apektado kahit hindi siya napipisil ni PRRD bilang susunod na Pangulo

Manila, Philippines – Hindi alintana ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang hindi pagkakabanggit sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga napipisil nitong pumalit sa kanya sakaling magbitiw siya sa pwesto.

Tugon ito ni Cayetano sa pasaring ng kampo ni Vice President Leni Robredo na nakalimutan na naman siya ng Pangulo.

Ayon kay Cayetano, marami ang dapat pagtuunan ng pansin at wala siyang panahon sa pamumulitika.


Nirerespeto niya ang karapatan ng Pangulo na sabihin kung sino ang gusto niyang maging successor.

Facebook Comments