NIYANIG | Bilang ng mga namatay sa lindol sa Indonesia, umakyat pa sa halos 100

Indonesia – Pumalo pa sa 98 tao ang patay sa nangyaring magnitude 6.9 na lindol sa Indonesia.

Gumamit na ang mga rescuer ng diggers at mabibigat na machinery para maalis ang mga debris at masagip ang ilan pang survivors.

Ayon sa National Disaster Mitigation Agency (BNPB), inaasahang tataas pa ang bilang ng mga nasawi kapag natapos ang clearing operations ng nasa 13,000 bahay.


Naputol ang linya ng kuryente at komunikasyon sa ilang lugar habang nagkaroon ng pagguho ng lupa at mga bumigay na tulay.

Nag-alok na ang United Nations ng support rescue at relief efforts.

Facebook Comments