NIYANIG | Lanao del Sur niyanig ng lindol

Lano del Sur – Niyanig ng magnitude 4.2 na lakas ng lindol ang Munisipalidad ng Wao, Lanao del Sur ngayong alas-10:21 ng umaga.

Sa inilabas na earthquake bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) natunton ang lindol sa lalim na 16 kilometers at tectonic ang sinasabing dahilan ng paggalaw ng lupa.

Bagamat may kalakasan ang lindol, hindi naman inaasahan ang pagkakaroon ng aftershocks o muling pagyanig sa lugar.


Facebook Comments