NIYANIG | Mga Pinoy sa Indonesia, nananatiling ligtas

28

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ligtas ang lahat ng Filipino na nagtatrabaho at naninirahan sa silangang bahagi ng Java, Indonesia matapos tumama ang magnitude 6.0 na lindol.

Ayon kay Philippine Ambassador to Indonesia Lee Hiong Wee, nasa ligtas na kalagayan ang 201 na Filipino na nasa East Java at ang 51 Pinoy sa Bali.

Maging si Pangulong Rodrigo Duterte at kaniyang mga gabinete ay naramdaman ang pagyanig.

Kasabay nito, nag-paabot naman ng pakikiramay ang Pilipinas sa kaanak ng tatlong nasawi sa lindol.

Facebook Comments