
Cauayan City — Matagumpay na nairaos ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO), sa pangunguna ni Police Colonel Jectopher D. Haloc, ang ligtas at mapayapang 2025 National and Local Elections sa lalawigan.
Sa kabila ng ilang aberya sa Automated Counting Machines (ACM), nanatiling maayos ang halalan at walang naiulat na insidente ng vote-buying, vote-selling, o paglabag sa liquor ban.
Nagpakalat ng mga pulis sa iba’t ibang presinto, pinalakas ang presensya sa mga checkpoint, at nakipag-ugnayan sa iba pang ahensya upang masiguro ang kaligtasan ng mga botante at opisyal ng halalan.
Pinasalamatan ni Police Colonel Haloc ang dedikasyon at propesyonalismong ipinamalas ng buong hanay ng NVPPO.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang Nueva Vizcaya Police Provincial Office sa COMELEC, mga kapwa tagapagpatupad ng batas, at sa buong komunidad sa kanilang suporta.