NLEX coach Yeng Guiao at isang player nito, pinatawan ng multa ng PBA

Manila, Philippines – Bwena-manong nabigyan ng multa si NLEX headcoach Yeng Guiao at ang player nitong si Erci Camson sa unang Linggo ng PBA Commissioners Cup.

 

Aabot sa P10,000 ang multa kay Camson matapos nitong makakuha ng flagrant penalty 1 sa naging laban nila noon sa Merlaco Bolts kung saan tinamaan nito sa mukha ang import na si Alex Stepheson.

 

P5,000 naman ang multa kay Guiao matapos nitong hamunin ang mga referee sa gitna ng laro.

 

Nadawit din ang isa pang injured player ng NLEX na si Sean Anthony na magbabayad ng P3,000 na multa dahil sa dress code violation matapos manood sa nasabing laro.

 

Samantala, P3,000 din ang multa sa Phoenix Player na si Willie Wilson matapos mag-commit ng flopping sa isang laro.



Facebook Comments