NLEX Road Warriors, nasungkit ang unang panalo sa PBA Philippine Cup

33

Nasungkit ng NLEX Road Warriors ang una nilang panalo kontra Northport Batang Pier sa pagpapatuloy ng PBA Philippine Cup 2020.

Tinalo ng NLEX ang Northport sa score na 102-88.


Nanguna sa panalo sina Kiefer Ravena na may 25-points habang nag-ambag naman si Kevin Alas ng 16-points at 10-rebounds.

Dahil naman sa pagkatalo, nananatiling kulelat sa team standing ang Northport na may 0-4 win/loss record.

Nabatid na ipinagpatuloy pa rin ang laro sa PBA Clark Bubble kahit pa naging suspected case sa COVID-19 ang isang referee na kasalukuyang nasa quarantine area sa athletes village.

Facebook Comments