NBI, dumepensa sa pahayag ng China ukol sa pagkakaaresto sa ilang Chinese citizens sa Pilipinas

Dumepensa ang National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng naging pahayag ng foreign ministry ng China.

Ukol sa dumaraming insidente ng interogasyon, pangha-harass at pag-inspeksyon sa mga Chinese citizen at sa mga negosyo nito.

Kahapon sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na walang sinisino ang NBI dahil marami na ring nahuli ang ahensiya na iba’t ibang lahi tulad ng Vietnamese, Amerikano at kahapon ay isang Sweden national.

Binigyang-diin ni Director Santiago na basta’t nag-violate ng batas ay hindi nila palalampasin at hindi raw target ng NBI ang mga Chinese citizen lamang.

Facebook Comments