No. 1 most wanted person ng Marikina PNP, arestado

39

Hindi na pumalag ang isang lalaking kabilang sa wanted person ng Marikina PNP, matapos matunton ng mga otoridad ang kinaroroonan ng suspek.

Inihain ng Marikina Police ang warrant of arrest laban kay Honesto Peña Galleon, alyas Julius, 23-anyos, residente ng Barangay Conception ng nasabing lungsod.


Ibinaba ang warrant of arrest ni Judge Dennis Aga Mojics ng Municipal Trial Court Branch 75 ng Marikina City, noong May 31 ngayong taon laban sa suspek sa kasong pagnanakaw.

Nakakulong na ang suspek sa Marikina City PNP custodial facility habang hinihintay ang order ng korte.

Facebook Comments