No. 12 most wanted ng Parañaque, arestado na

Timbog ang panglabing dalawang most wanted person ng Parañaque City matapos isagawa ang operasyon laban sa kanya.

Nakilala ang suspek na si Carl Randy Randery Dancel Regalado, 21-years old, residente ng nasabing lungsod.

Ayon sa Parañaque Philippine National Police (PNP), ang suspek ay may kasong rape at si Judge Moises Domingo De Catsro, ng Parañaque Family Court Branch 10 ang nag baba ng warrant of arrest laban sa suspek.


Nakakulong na ang suspek sa Parañaque PNP habang hinihintay ang order ng korte.

Facebook Comments