“No CCTV, no business permit” policy, dapat ipatupad sa LGUs ayon sa DILG

100

Hinikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lungsod at munisipalidad na magpatibay ng ordinansa na mag-oobligang gawing requirement sa pagkuha ng business permit ang paglalagay ng closed-circuit television system sa mga business establishments.

Base sa inilabas na DILG Memorandum Circular (MC) No. 2022-060, kabilang sa pinapakabitan ng CCTV ay ang mga bangko, pawnshops, money lenders, at mga money remittance services kasama na ang kanilang branches.

Pinasasama rin ng DILG ang shopping malls, shopping center supermarkets, wet markets, medical facilities gaya ng ospital hospitals, clinics, at mga laboratory.


Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, na siya ring Chairperson ng National Peace and Order Council, asahan na muling magbabalik ang criminal activities sa harap ng pagpasok ng bansa sa pre-pandemic na health situation.

Sinabi naman ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na ang CCTV cameras ay dapat makatugon sa upgraded guidelines na itinakda ng national government.

Ani Malaya, mainam na sundin ang inirerekomenda ng Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police.



Napatunayan ng Philippine National Police na malaki ang naitulong ng CCTV sa pagpapababa ng antas ng kriminalidad sa nakalipas na limang taon.

Facebook Comments