Mahigpit na ipapatupad at imomonitor ng Department of Education Region 1 ang usapin ukol sa mandatoryong kontribusyon ng mga mag-aaral para sa kanilang graduation.
Sa isang panayam kay DepEd Region 1, Information Officer Dr. Cesar Bucsit, voluntary o kung sino lamang umano ang may gusto ang mag-cocontribute.
Nilinaw din na kung sakaling mapagkasunduan ito ay hindi pa rin umano pwedeng pilitin ang estudyante lalo na ang mga walang kakayahan.
Samantala, ipinagbabawal naman ang marangya o bonggang selebrasyon ng mga pagtatapos sa mga pampublikong paaralan base sa inilabas na Memorandum No. 027 s. 2025.
Dagdag pa, kailangan din umanong isaalang-alang kung saan isasagawa ang selebrasyon ngayong nararanasan ang maalinsangang panahon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments