NO COMMENT | Denise Laurel, tikom ang bibig sa status ng relasyon nila ni Sol Mercado

172

Manila, Philippines – Mas gusto daw ngayon ng aktres na si Denise Laurel na manahimik muna at huwag sumagot sa mga tanong hinggil sa status ng relationship nila ng PBA player na si Sol Mercado.

Say ni Denise, bagamat hindi niya itinatago na nagkabalikan na sila ng Barangay Ginebra player iwas na muna daw siyang pag-usapan kung kailan nila balak magpakasal.

Basta at ang mahalaga daw ay masaya siya na muli niyang nakasama si Sol at kuntento na siya dito.

Matatandaan na taong 2012 nang maging magkasintahan ang dalawa at na-engage nang sumunod na taon pero October 2016 nang mauwi sa paghihiwalay ang relasyong nila.

May 2017 naman nang magsimulang mag-post si Denise ng sweet messages para kay Sol na nagpapahiwatig na nila ang kanilang relasyon.

Facebook Comments