NO COMMENT | Pia Magalona, no comment pa din sa isyu ng kaniyang anak na si Elmo

132

Manila, Philippines – Pinawi ni Pia Magalona ang pangamba ng ilang fans hinggil sa tunay na kalagayan ng kaniyang anak na si Elmo na nahaharap ngayon sa kontrobersiya.

Say ni Pia, huwag daw mag-alala ang mga fans dahil nasa mabuting kalagayan si Elmo kung saan kapwa sila ayaw magbigay ng pahayag sa mga akusasyon ng dating onscreen partner nito na si Janella Salvador.

At kahit pa marami sa mga netizens ang nananawagan na magsalita na sila para marinig ang kanilang panig, mas gusto pa rin nila na manahimik sa isyu.
Dahil din sa insidente, marami nang nang-bash kay Elmo matapos nitong saktan si Janella pero may ilan pa ring nagpapahayag sa kanya ng suporta.

Facebook Comments