NO COMMENT | Rocco Nacino, nagkomento sa naging pahayag ni Jolo Revilla tungkol sa basketball at iligal na droga

Manila, Philippines – Nag-react ngayon ang aktor na si Rocco Nacino sa naging komento ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla matapos manalo ang Bacoor Strikers kontra Bulacan Kuyas sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Sa naging courtside interview kasi kay Jolo, sinabi nito na “bola muna bago droga” kaya at lumilikha ito ngayon ng ingay sa social media.

Agad naman binawi ni Jolo ang kanyang huling pahayag nang malamang may mali sa kanyang sinabi kung saan say nito na “actually, bola muna hindi droga.”


Pero hindi ito pinalampas ng mga netizen na pinaulanan ng batikos at memes si Jolo.

Isa din sa mga nag-react dito ay ang kapwa nito aktor na si Rocco Nacino kung saan say nito na “’bola muna bago droga..”’ Hahaha… sarap sampalin”.

Sa ngayon, no comment pa din si Jolo sa mga nangyari pero inaabangan ng ilan ang sagot nito sa komento ni Rocco.

Facebook Comments