NO-EL | Pahayag ni Speaker Pantaleon Alvarez, walang basbas ni PRRD – Malacañang

16

Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na walang go signal mula kay Pangulong Rodrigo Duterte ang isinusulong ni House Speaker Pantaleon Alvarez na no Election scenario sa 2019.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, tuloy na tuloy ang Midterm Elections sa 2019 bilang pagsunod narin sa pahayag ni Pangulong Duterte.

Sinabi din naman ni Roque na tanging pagpapatibay sa Federal Constitution bago ang halalan ang makahahadlang sa pagdaraaos ng eleksyon sa susunod na taon.

Binigyang diin ni Roque na hanggang umiiral ang 1987 Constitution ay walang dahilan para hindi matuloy ang halalan sa 2019.

Dag-dag pa ni Roque, si Pangulong Duterte ang punong tagapagpatupad ng batas kaya kung ano ang nakasaad sa saligang batas ay mahigpit nitong ipatutupad.

Facebook Comments