‘No Face-to-Face Classes,’ mananatili – DOH

100

Magpapatuloy pa rin ang implementasyon ng polisiyang “no face-to-face” na klase sa buong bansa dahil sa banta ng COVID-19.

Pero ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, nakadepende kay Pangulong Rodrigo Duterte kung papahintulutan na niya ito sa mga lugar na nakapagtala ng “zero COVID case” o mga may mababang kaso.


Sakaling mangyari ang face-to-face classes, gagawa ang kagawaran at ang Department of Education (DepEd) ng guidelines para dito kasama na ang sapat na health system capacity, hospital care critical capacity at public health preparedness.

Sa ngayon, sinabi ni Duque na ang Batanes lamang ang lugar sa ating bansa na nakapagtala ng zero COVID-19 cases sa nakalipas na dalawa hanggang apat na linggo.

Facebook Comments