‘No Helmet, No Travel Policy’ sa Tuguegarao City, Balik na sa Pagpapatupad!

*Cauayan City, Isabela- *Pormal nang ibinalik ngayong araw ang mahigpit na pagpapatupad sa ‘No Helmet, No Travel’ policy sa Lungsod ng Tuguegarao matapos itong suspindehin pansamantala ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano kasabay ng pagdaos sa ika 295th Patronal fiesta ng syudad at dahil na rin sa banta ng teroristang ISIS.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Vince Blancad, pinuno ng Public Order and Safety Unity ng Lungsod, muli silang maghihigpit sa pagpapatupad sa nasabing ordinansa katuwang ang Land Transportation Unit at ng PNP.

Sa ngayon ay mayroon ng mahigit 1,000 violators ang kanilang nahuhuli mula noong unang ipinatupad ang nasabing ordinansa sa Lungsod.


Muli namang nagpaalala ang mga awtoridad sa mga motorista na sumunod sa kanilang ipinapatupad na ‘No Helmet, No Travel Policy’.

Facebook Comments