No ID No Entry sa Cotabato City

22

Nagpapatuloy ang apela ng City Government , City PNP at 6th ID sa publiko na makiisa sa kanilang kampanya kontra terorismo para mapanatili ang kaligtasan ng nakakarami sa syudad.

Kaugnay nito mas pinaigting pa ngayon ang ginagawang security measures ng PNP katuwang ang military at iba pang security forces base na rin sa direktiba ni Mayor Cynthia Guiani kasabay ng isinagawang City Peace and Order Council Meeting kahapon.
Muli ring ipapatupad ang mahigpit na direktibang No ID No Entry policy sa mga papasok na mga motorista sa syudad.
Ang CPOC Meeting ay kasabay ng pag- iingat na ginagawa ng Cotabato City LGU matapos ang nangyaring pagsabog sa bayan ng Isulan Sultan Kudarat.
CCTO PIC

Facebook Comments