Nagpatupad ng mahigpit na “No Inspection, No Loading” policy ang lokal na pamahalaan ng Bugallon para sa mga poultry farm kasunod ng reklamo kaugnay sa pagdami ng langaw sa ilang lugar sa bayan.
Sa isinagawang emergency meeting ng bayan kasama ang tatlong poultry farm managers at Bugallon Inspectorate Task Force, napag-alamang may mga poultry farm umanong hindi sumunod sa panuntunan hinggil sa paggamit ng IPA kapalit ng SLATS.
Giit ng LGU, dapat may nakahandang gamot o kaukulang pangkontrol laban sa langaw ang mga ito bago payagang magsagawa ng loading operations. Kinakailangan din munang sumailalim sa inspeksyon ang mga poultry farm bago payagang magsagawa ng loading operations ng mga sisiw at iba pang poultry products.
Maaaring makatanggap ng sanitary orders at humanting sa closure order alinsunod sa Presidential Decree 856 o Sanitation Code of the Philippines ang mga lalabag sa kautusan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










