‘No RFID, no entry’, ipapatupad na ng Toll Regulatory Board simula November 2

Magpapatupad na ng “No Radio-Frequency Identification (RFID), no entry” simula Nobyembre 2 ang Toll Regulatory Board (TRB).

Ayon kay TRB Executive Director Abraham Sales, alinsunod ito sa Department of Transportation (DOTr) order 2020-012 na inilabas noong Agosto 13 na nag-uutos sa paggamit ng cashless transactions sa mga tollway simula Nobyembre 2.

Dahil dito, maglalagay na ng booth sa mga pasukan ng expressway para makita ang mga sasakyang walang RFID.


Facebook Comments