NO SHOW | Nicanor Faeldon, no show pa rin sa BOC

139

Manila, Philippines – Ipinaabot na ni Justice Secretary Guevarra kay Executive Secretary Salvador Medialdea ang patuloy na pagliban ni Bureau of Corrections (BOC) Chief Nicanor Faeldon.

Sa harap ito ng hindi pa rin pagsipot ni Faeldon sa BuCor matapos itong hirangin bilang director.

Ayon kay Guevarra, wala ring pasabi si Faeldon kung tinatanggap ba nito o hindi ang nasabing posisyon.

Sinabi ni Guevarra na mahalaga ang pagkakaroon ng BuCor chief dahil tanging ang director lamang ang pinahihintulutang pumirma sa mga mahahalagang dokumento tulad ng mga kontrata.

Facebook Comments