“No vaccination, no dine-in policy” sa Cebu City, iimbestigahan na ng DILG

50

Iimbestigahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang umano’y “no vaccination, no dine-in policy” sa Cebu City.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, hindi aprubado ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang naturang polisiya .


Dahil dito, inatasan ng DILG ang mga regional office sa naturang lungsod na makipag-ugnayan kay acting Mayor Michael Rama para alamin ang mga ipinapatupad nitong panuntunan.

Habang binigyang-diin ni Año na masyado pang maaga na magpatupad ang naturang lugar ng naturang polisiya dahil maliit pa ang bilang ng nabakunahan sa lungsod.

Sa ngayon, inihayag ni Cebu City Vice Mayor Rama na welcome sa kaniya ang gagawing imbestigasyon ng DILG.

Facebook Comments