“No vaccine, No work” policy ng IATF, ipinasususpinde ng Kamara

296

Agad na pinasususpinde ng House Committee on Labor and Employment sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang implementasyon ng dalawang resolusyon nito ukol sa “No COVID-19 vaccine, No Work” policy.”

Dismayado kasi ang mga miyembro ng panel sa hindi pagdalo ng kahit isa sa mga opisyal ng IATF gayong pinadalhan ang mga ito ng imbitasyon sa pagdinig na ginanap ngayong araw.

Dahil maraming katanungan ang hindi masagot bunsod ng kawalan ng kinatawan mula sa IATF, nagmosyon si TUCP Partylist Rep. Raymond Mendoza na suspendihin ng IATF ang resolutions 148-B at 149 o mandatory COVID-19 vaccination para sa on-site worker, sa gitna na rin ng mga batikos o puna rito.


Kinatigan naman ng chairman ng komite na si 1-PACMAN Partylist Rep. Eric Pineda ang mosyon at inihayag na agad silang susulat sa IATF para sa agarang suspensyon ng pagpapatupad ng nabanggit na mga resolusyon ng task force.

Giit ni Pineda, talagang hindi napag-aralan nang mabuti ang dalawang resolusyon.

Sa susunod na pagdinig ng House Committee on Labor and Employment ay pinatitiyak ng kongresista na haharap na ang mga opisyal ng IATF.



Facebook Comments