No water supply, posibleng maranasan din ng ilang lugar na ‘di apektado ng water interruption

Posibleng makaranas rin ng mahina hanggang sa kawalan ng supply ng tubig ang ilang lugar na hindi naman apektado ng water interruption.

Ayon kay Dittie Galang, Communication Planning and Tactical Development Manager ng Manila Water, maaaring madamay ang mga nasa malalayo o matataas na lugar oras na nagkasabay-sabay sa pag-iipon ng tubig ang mga apektado ng water interruption.

Dahil dito, nanawagan si Galang sa kanilang mga customer na mag-imbak na ng sapat na supply ng tubig.


Facebook Comments