
Gagamitin na ng mga awtoridad sa mga paliparan, seaports, at iba pang transport terminals ngayong Semana Santa ang inilunsad na bagong non-lethal law enforcement device ng Office of Transportation Security (OTS) at Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP).
Ayon kay OTS Executive Director Undersecretary Gilbert Cruz, paunang 100 pares ng nasabing device ang kanilang ipapakalat sa buong bansa.
Tiniyak naman ni PNP-AVSEGROUP Director Police Brigadier General Dionisio Bartolome Jr. na lalo pa nilang paiigtingin ang pagsasanay ng kanilang mga tauhan sa paggamit ng non-lethal law enforcement device.
Ang nasabing aparato ay isang innovative development na ginagamit sa paghadlang sa mga banta sa seguridad ng publiko sa mga paliparan, seaports, at iba pang transport terminals.










