
Gagawaran ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Presidential Medal of Merit sina Nora Aunor, Pilita Corrales, Margarita Fores, at Gloria Romero.
Sila ang mga natatanging personalidad na malaki ang naging kontribusyon sa Philippine entertainment industry at gastronomy.
Gaganapin ang paggawad ng parangal sa Rizal Ceremonial Hall ng Malacañang Palace sa May 4, 2025.
Si Nora Aunor ay pumanaw noong April 16, 2025; habang si Pilita Corales naman ay noong April 12, si Margarita Fores noong February 11; at Gloria Romero noong January 25.
Facebook Comments