North Cotabato Governor Elect nakatakdang manumpa!

37

Pormal ng manunumpa bilang bagong Gobernadora ng North Cotabato si Governor Elect Nancy Catamco.

Gagawin ang oath taking sa Capitol Gymnasium, Provincial Capitol Ground, sa Amas, Kidapawan City sa June 30, alas 9 ng umaga.


Sa impormasyon na ipinarating sa DXMY sinasabing manunumpa si Governor Catamco kay Executive Judge Arvin Sadiri Balagot, CPA.

Matatandaang nagwagi si Catamco matapos makakakuha ng 272, 249 votes kontra kay Carmen Mayor Manong Roger Taliño na nakakuha naman ng 268,718 votes.

Ang pagkakahalal kay Governor Catamco ay maituturing na kasaysayan para sa mga lumad ng North Cotabato , si Gov. Catamco ay isang Manobo at tinaguriang “Ang Diwata ng Mt. Apo” at kauna unahang Lumad Governor na naihalal sa North Cotabato

Nauna na rin nitong inihayag sa mga taga North Cotabato ang mga magagandang inisyatiba at mga programang gagawin sa buong lalawigan lalo na sa mga lumad.

Facebook Comments

From Advertisers