North Korea, magsasagawa ng military parade para sa 75th Founding Anniversary ng Worker’s Party

39

Inaasahang magsasagawa ng military parade ang mga sundalo ng North Korea bilang selebrasyon ng 75th Founding Anniversary ng Workers’ Party.

Base sa satellite image ng ilang eksperto, nakahanda na ang Pyongyang’s Main Square kung saan gaganapin ang pagdiriwang at napag-alaman din nilang puspusan na ang ginagawang ensayo ng mga sundalo.

Una nang lumabas nitong ng Setyembre na gumawa ng human formation ang libo-libong North Koreans kung saan ini-spell out nila ang katagang, “Heroic Youth” at “100 battles, 100 victories”.

Maliban dito, inaabangan din sa buong mundo ang ‘new strategic weapon’ na ipinangako ni North Korean Leader Kim Jong Un.

Facebook Comments