North Korean leader, ininspeksyon ang bagong submarine

Ininspeksyon ni North Korean lider Kim Jong Un ang kanilang bagong gawang submarine.

Base sa larawang isinapubliko ng state media ng North Korea, makikitang katabi ni Kim ang isang malaking submarine kasama ang ilang opisyal nito.

Hindi na matukoy kung anong uri ng submarine ito.


Pero tila nagpapahiwatig ito ng paghahanda ng Pyongyang ng paggawa ng Submarine-Launched Ballistic Missile (SLBM) Program.

Ilalagay ang nasabing submarine sa kanilang karagatan para palakasin ang kanilang defense capabilities.

Facebook Comments