Notoryus na miyembro ng Abu Sayyaf Group naaresto sa Quezon City

508

Nadakip ng mga tauhan ng Quezon City Police District at Philippine National Police (PNP) Intelligence Group ang isang notoryus na miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Brgy Culliat Quezon City.

Kinilala ang naarestont bandido na si Abuhair Kullim Indal na may alyas na Annual Dasil at Abu Khair, 32 anyos tubong Basilan at nakatira sa No. 104 Cotabato St., Salam Compound, Brgy. Culiat.


Naaresto ito noong pang Byernes sa mismong kanyang bahay sa Brgy Culliat.

Si Indal ay wanted dahil sa kasong kidnapping at serious illegal detention.

Sasampahan rin si Indal ng kasong paglabag sa RA 9516 o Unlawful Possession of Explosives in relation to Omnibus Eection Code matapos makuhaan ng hand grenade nang ito ay arestuhin.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na si Indal ay trusted men nina Abu sayyaf group Commander Furuji Indama at dating ASG Sub Leader Nur Hassan Jamiri who surrendered last March 28, 2018.

Sangkot ito sa pagdukot sa 15 biktima ng Golden Harvest Plantation sa  Barangay Tairan Lantawan, Basilan noong June 11, 2001.

Facebook Comments

From Advertisers