NPA, humingi ng tawad sa pagkakapatay sa apat na buwang gulang na sanggol na nadamay sa engkwentro sa Bukidnon

302

Bukidnon – Humingi ng tawad ang New People’s Army (NPA) sa pamilya ng mga nadamay sa engkwentro noong nakaraang linggo sa Bukidnon.

Kabilang sa mga nasawi ang isang apat na buwang gulang na sanggol matapos tamaan ng bala ang kanilang sasakyan.

Paliwanag ng NPA, sinubukan nilang harangin ang sasakyan ng mga sibilyan pero hindi sila nagpapigil.

Sinusubukan na nilang makipag-ugnayan sa pamilya para ipaabot ang pakikiramay.

Bukod sa sanggol, isang pulis ang nasawi habang dalawa pang sibilyan ang nasugatan.

Facebook Comments