Npa itiniturong pumatay sa isang tindero ng floormat sa Kidapawan City

21

Isang tindero ng floor mat ang namatay ng pagbabarilin sa Kidapawan City. kinilala ang biktima na si Mark Cervania residente ng barangay Tunggol, sa bayan ng Datu Montawal, sa lalawigan ng Maguindanao.
Unang lumabas sa report na isinakay pa ng mga suspect ang biktima sa motorsiklo galing pa ng Magpet, North Cotabato.
Pababa na ang mga ito sa Kidapawan City at pagsapit sa may Kilometer 114 sa Barangay Paco, nagtangka umanong lumundag mula sa motorsiklo ang biktima at dito na siya binaril
Dalawang tama ng bala sa likod na tumagos sa dibdib ang tinamo ng biktima at ng bumagsak ay binaril pa siya sa ulo.
Kinilala ang biktima ng Mismo ang misis ng biktima na si Marjorie ang kumilala sa kanyang mister ng magtungo ito sa Collado Funeral Homes sa Kidapwan City.
Ayon sa asawa ,araw ng Miyerkules ng magpaalam ang kanyang mister na pupunta ng Barangay Basak sa bayan ng , Magpet, para magbenta ng mga floor mat.
Nakatanggap pa raw siya ng tawag sa kanyang celfon mula sa isang lalaki na nagpakilalang kasapi ng 39th Infantry Battalion na hawak nila ang kanyang mister.
Pero di siya naniwala. Tinawagan niya ang kanyang mga kaanak na nasa 39th IB at dito niya nabatid na walang hawak na sinuman ang batalyon.
Dito na nagduda si Marjorie na posibleng mga NPA ang may hawak sa kanyang mister.
Ayon kay Chief Inspector Ramel Hojilla, hepe ng Kidapawan City PNP, nagsasagawa pa sila ng malalimang imbestigasyon hinggil sa kaso.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments