NPA patay, sundalo sugatan sa sagupaan sa Oriental Mindoro

Patay ang isang miyembro ng New Peoples Army (NPA) habang sugatan ang isang sundalo matapos ang sagupaan sa Barangay Happy Valley, Socorro, Oriental Mindoro kaninang umaga.

Ayon kay PNP MIMAROPA Region Spokesperson Police Lt. Col. Imelda Tolentino mag a-alas-9 ng umaga kanina nang ikasa ng pinagsanib na pwersa ng pulisya at militar ang OPLAN Pating kung saan habang nagsasagawa ng combat operation ang mga sundalo at pulis sa may bahagi ng Sitio Panakan ay naka engkwentro ang nasa 15 miyembro ng NPA.

Sa sagupaan na nagtagal ng 15 minuto, napatay ang NPA member na narekober ng mga sundalo ang bangkay sa pinangyarihan ng sagupaan.


Kinilala naman ang sugatang sundalo na si Corporal Froilan Yakak na miyembro ng 76th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Narekober ng militar sa pinangyarihan ng sagupaan ang isang kalibre 45, 2 magazine ng caliber 45, 200 rounds ng M60 at mga mahahalagang dokumento.

Facebook Comments