NPA platoon squad leader, sumuko sa mga pulis sa Mountain Province

68

Kusang loob na sumuko sa mga tauhan ng Philippine National Police ang isang platoon squad leader ng New People’s Army sa Tadian Mountain Province kahapon.

Sa ulat ni PNP Spokesperson Brigadier General Ildebrandi Usana, ang sumukong NPA ay si Mario Materyang Lapa-an, 36 anyos nagsisilbing squad leader ng Platoon Mountain Province ng NPA.


Si Lapa-an ay ilang taon nang-NPA bago naisipang sumuko, isinuko rin nito ang kanyang tatlong M16 rifles.

Facebook Comments