NPA, sinunog ang plantasyon ng saging Gensan; danyos, umabot sa 7-milyong piso

97

Manila, Philippines – Umabot sa 7-milyong piso ang danyos sa ginawang panununog ng New People’s Army sa plantasyon ng saging sa barangay Sinawal, General Santos City.

 

Ayon sa otoridad, alas 4:30 kaninang umaga nang pasukin ng higit 100 rebelde ang plantasyon.

 

Sinunog din ng mga ito ang gusali, trailer truck at 40-footer container van, dalawang saddam cargo truck at motorsiklo.

 

Nakikipag-ugnayan na ang otoridad sa Armed Forces of the Philippines para sa posibleng aerial support.




Facebook Comments