NPC congressmen na natanggalan ng pwesto, ibabalik ni House Speaker Velasco

Ibabalik ni House Speaker Lord Allan Velasco ang mga kongresistang miyembro ng Nationalist People’s Coalition o NPC na natanggal sa posisyon bunga ng pagpapalit sa liderato ng Kamara.

Ito ang tiniyak ni Velasco kay Senate President Tito Sotto III na siyang Chairman ng NPC na may 42 miyembro sa Kamara.

12 sa mga myembro nito ay mananatiling Chairman ng mga Committee.


Isa naman ay magiging bahagi ng Commission on Appointments, ang isa ay uupo sa House of Representative Electoral Tribunal, ang pito ay uupo bilang mga Vice Chairmen ng makapangyarihang Committee on Appropriations.

Mananatili namang Deputy Speakers sina Antique Representative Loren Legarda at Sorsogon Representative Evelina Escudero.

Facebook Comments