NPC, pinatitiyak na protektado ang personal data ng mga subscribers

26

Manila, Philippines – Binigyang diin ng National Privacy Commission (NPC) na dapat protektado ng mga telecommunication entities ang personal data ng mga subscribers lalo at ganap nang batas ang Mobile Number Portability Act.

Ayon kay NPC Commissioner Raymund Liboro – sila, kasama ang National Telecommunications Commission (NTC) ay patitiyakin sa mga telco na secured ang personal subscriber’s data alinsunod na rin sa Data Privacy Act.

Suportado ng NPC ang bagong batas at pinuri si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakalagda nito.

Sa ilalim ng batas, binibigyan ang mga mobile postpaid o prepaid subscribers na panatilihin ang kanilang mobile number kahit lumipat ng ibang mobile service provider o network.

Facebook Comments