Friday, March 6, 2026

NSC, kinumpirma ang seryosong banta sa bansa na kinabibilangan ng pang-eespisya at mga aktibidad na konektado sa China

Kinumpirma ng National Security Council (NSC) ang seryosong banta sa bansa na kinabibilangan ng pang-eespiya at mga aktibidad na konektado sa China.

Sa inilabas na pahayag ng NSC, sinabi nito na para sa seguridad ay hindi nila maibibigay ang pagkakakilanlan ng mga indibidwal na nagsisilbing Chinese Intelligence, methods o timeline para hindi masira ang nagpapatuloy na imbestigasyon.

Kaugnay nito, nagsagawa na ng karampatang aksyon ang mga awtoridad laban sa mga Pilipinong umaming sila ay nangeespiya para sa bansang China.

Tiniyak naman ni NSC Spokesperson Assistant Director General (ADG) Cornelio Valencia Jr. sa publiko na ang kanilang mga security agencies ay nananatiling proactive at vigilante.

Samantala, nanawagan naman ang NSC Sa Kongreso na bigyang-prayoridad ang pagpasa ng bagong Anti-Espionage Bill at Anti-Foreign Malign Influence and Interference Act.

Facebook Comments