NTC, naglabas nang cease and desist order laban sa Sky Cable Corporation para ipatigil ang operasyon nito

60

Naglabas nang cease and desist order ang National Telecommunications Commission (NTC) laban sa Sky Cable Corporation para ipatigil ang operasyon dahil sa napasong prangkisa nito.

Sa tatlong pahinang kautusan, tinukoy ng NTC na napaso na ang legislative franchise ng Sky Cable noong May 4, 2020.


Pinagpapaliwanag din ito sa loob ng sampung araw (10) kung bakit hindi dapat mabawi ang radio frequency na nakatalaga sa kanila dahil sa kawalan ng legislative franchise.

Pinapa-refund din sa kanilang mga subscribers ang nakonsumong prepaid load, deposit sa equipment at devices at advanced na singil sa kanilang mga subscribers.

Ang Sky Cable ay subsidiary ng giant network na ABS-CBN.

Facebook Comments