NTF against COVID-19, binisita ang Bulacan at Laguna upang tulungan ang mga LGU sa kanilang COVID-19 response

76

Binisita ng ilang miyembro ng National Task Force against COVID-19 ang ilang lalawigan bilang bahagi ng pagtulong sa mga Local Government Unit (LGU) na mapagbuti ang kanilang COVID-19 response.


Unang binisita nina NTF Deputy Chief Implementer at Testing Czar Vince Dizon, Department of the Interior and Local Government Usec. Jonathan Malaya at Department of Health (DOH) Director Rody Albornoz ang Bulacan.

Lahat ng dumalo sa aktibidad ay inobligang magsuot ng face shields at gloves.

Ipinagmalaki naman ni Governor Daniel Fernando ang mga inilatag na kampanya at programa kontra COVID-19.

Sa Laguna, nangako si Dizon na target ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na i-convert ang sports complex sa Cabuyao para gawing isolation o quarantine facility.

Nasa isang libong test kits at libreng cloth face masks naman ang ibingay ng gobyerno sa LGU ng Cabuyao, Laguna.

Facebook Comments